Pumunta sa nilalaman

Leo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leo Astrological Sign sa Wisconsin State Capitol.

Ang panglimang signos ng sodyak at iniimpluwensyahan ng buntalang araw. Marangal at mapagbigay ang mga taong ito, bagamat minsan galangit ang pagkamaka-ako (ego)nito. Malakas ang kumpyansa sa sarili, tapat at walang kyeme kung magsalita. Karaniwan itong mga katangian ang nagtataboy sa mga kaibigan ng Leo. Matapang at tapat ang loob ng Leo. Gusto nilang parati silang namumuno at mabilis at matindi din silang mabighani sa mga hindi kabaro.

Romantiko ang mga Leo, idealistic, ambisyoso, malakas ang tiwala sa sarili, sumpungin, tapat sa mga kaibigan, masigasig, mapagbigay, parating positibo sa buhay, magiliw pero minsan dominante.

Interesado parati ang mga Leo sa sports at iba pang mga laro, kasiyahan, mga tagumpay, at mga bata (lalo na mga anak nila). Gusto nila parating nasa sentro ng atensiyon.

Kung ang Cancer ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Cancer, ang suliranin ng buntalang iyon o ng Bahay na iyon ay naiimpluwensiyahan ng kasiyahan, malaharing pamumuno o pagiging dominante, pagmamahalan, pagyayabang, karangyaan, pagiging positibo sa buhay, pananampalataya, pagiging mainitin ang ulo at mga pangyayaring may kinalaman sa mga bata.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN 81-7021-1180-1