May bisa sa Nobyembre 20, 2024
Ang aming misyon ay ikonekta ang mga propesyonal sa mundo upang pahintulutan silang mas maging produktibo at matagumpay. Dinisenyo ang aming mga serbisyo upang isulong ang oportunidad sa ekonomiya para sa aming mga miyembro sa pamamagitan ng pagbibigay kakayahan sa iyo at milyong iba pang mga propesyonal na magtipon, magpalitan ng mga ideya, matuto, at humanap ng mga oportunidad o empleyado, trabaho, at gumawa ng mga desisyon sa isang network ng pinagkakatiwalaang mga ugnayan.
Talaan ng mga Nilalaman:
-
Introduksyon
1.1 Kontrata
Kapag ginamit mo ang aming mga Serbisyo sumasang-ayon ka sa lahat ng aming mga tuntunin. Ang paggamit mo ng aming mga Serbisyo ay napapailalim din sa aming Patakaran sa Cookie at sa aming Patakaran sa Pagkapribado, na sumasakop sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinabahagi, at iniimbak ang iyong personal na impormasyon.Sa paglikha ng isang account sa LinkedIn o sa pag-access o paggamit ng aming mga serbisyo (inilalarawan sa ibaba), sumasang-ayon ka na pumasok sa isang legal na kontrata kasama ng LinkedIn (kahit na ginagamit mo ang aming mga Serbisyo sa ngalan ng isang kompanya). Kung hindi ka sumasang-ayon sa kontratang ito (“Kontrata” o “Kasunduan ng Gumagamit”), huwag lumikha ng isang account o i-access o gamitin ang alinman sa aming mga Serbisyo. Kung gusto mong tapusin ang kontratang ito anumang oras, maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pagsara ng iyong account at hindi na kailanman i-access o gamitin ang aming mga Serbisyo.
Mga Serbisyo
Naaangkop ang Kontrata na ito sa LinkedIn.com, LinkedIn-branded apps, LinkedIn Learning at iba pang mga site, app, komunikasyon, at iba pang mga serbisyo na nauugnay sa LinkedIn na nagsasabing sila ay inalok sa ilalim ng Kontratang ito (“Mga Serbisyo”), kabilang ang offsite na koleksyon ng datos sa mga Serbisyong iyon, tulad ng aming mga patalastas at ang “Mag-apply sa LinkedIn” at “Ibahagi gamit ang LinkedIn” na mga plugin.
LinkedIn
Ikaw ay pumapasok sa Kontratang ito kasama ng LinkedIn (na tinutukoy din bilang “kami” at “amin”).
Ginagamit namin ang terminong “Mga Itinalagang Bansa” upang tukuyin ang mga bansa sa European Union (EU), European Economic Area (EEA), at Switzerland.
Kung naninirahan ka sa “Mga Itinalagang Bansa”, pumapasok ka sa Kontratang ito kasama ng LinkedIn Ireland Unlimited Company (“LinkedIn Ireland”) at ang LinkedIn Ireland ang tagapangasiwa ng iyong personal na datos na ibinigay sa, o kinolekta ng o para sa, o prinoseso na may kaugnayan sa aming mga Serbisyo.
Kung nakatira ka sa labas ng “Mga Itinalagang Bansa”, ikaw ay pumapasok sa Kontratang ito kasama ng LinkedIn Corporation (“LinkedIn Corp.”) at ang LingkedIn Corp. ang tagapangasiwa ng iyong personal na datos na ibinigay sa, o kinolekta ng o para sa, o prinoseso kaugnay sa aming mga Serbisyo.
Bilang isang Bisita o Miyembro ng aming mga Serbisyo, ang pagkolekta, paggamit at pagbabahagi ng iyong personal na datos ay napapailalim sa aming Patakaran sa Pagkapribado, sa aming Patakaran ng Cookie at iba pang mga dokumento na isinangguni sa aming Patakaran sa Pagkapribado, at mga pagbabago. Kinikilala at binasa mo ang aming Patakaran sa Pagkapribado.
1.2 Mga Miyembro at Bisita
Naaangkop ang Kontratang ito sa mga Miyembro at Bisita.Kapag nagparehistro at sumali ka sa mga Serbisyo ng LinkedIn, ikaw ay magiging isang Miyembro. Kung pinili mong hindi magparehistro para sa aming mga Serbisyo, maaari mong ma-access ang ilang mga tampok bilang “Bisita.”
1.3 Mga Pagbabago
Maaari kaming gumawa ng mga pagbabago sa Kontrata.
Maaari naming baguhin ang Kontratang ito, ang aming Patakaran sa Pagkapribado, at ang aming Patakaran sa Cookie paminsan-minsan. Kung inaatas na naangkop na batas o gumawa kami ng mga makabuluhang pagbabago sa Kontratang ito, bibigyan ka namin ng abiso sa pamamagitan ng aming mga Serbisyo, o sa iba pang paraan, para bigyan ka ng oportunidad upang repasuhin ang mga pagbabago bago sila magkabisa. Sumasang-ayon tayo na ang mga pagbabago ay hindi retroactive. Kung tututulan mo ang alinman sa mga pagbabago, maaari mong isara ang iyong account. Ang patuloy mong paggamit ng aming Mga Serbisyo matapos naming mailathala o maipadala ang abiso tungkol sa mga pagbabago sa mga tuntunin na ito ay nangangahulungan na pinapayagan mo ang mga update sa tuntunin mula sa petsa ng pagkabisa nito.
-
2. Mga Obligasyon
2.1 Pagiging Karapat-dapat sa Serbisyo
Narito ang ilang mga pangako na gagawin mo sa amin sa Kontratang ito:Ikaw ay karapat-dapat na pumasok sa Kontratang ito at ikaw ay hindi bababa sa aming “Pinakamababang Edad”.Ang mga Serbisyo ay hindi gagamitin para sa paggamit ng sinuman na wala pang 16 na taong gulang.
Upang gamitin ang mga Serbisyo, sumasang-ayon ka na: (1) ikaw ay dapat nasa “Pinakamababang Edad” (inilalarawan sa ibaba) o mas matanda; (2) magkakaroon ka ng isang account lamang sa LinkedIn, na dapat nasa iyong totoong pangalan; at (3) ikaw ay hindi ipinagbabawal ng LinkedIn mula sa paggamit ng mga Serbisyo. Ang paglikha ng account gamit ang maling impormasyon ay isang paglabag sa aming mga tuntunin, kabilang ang mga account na nakarehistro sa ngalan ng iba o sa mga taong wala pang 16 na taong gulang.
Ang ibig sabihin ng “Pinakamababang Edad” ay 16 na taong gulang. Gayunpaman, kung hinihiling ng batas na dapat ikaw ay mas matanda upang legal na maibigay sa iyo ng LinkedIn ang mga Serbisyo nang hindi kailangan ng pahintulot ng magulang (kabilang ang paggamit ng iyong personal na datos), samakatuwid ang Pinakamababang Edad ay ang naturang mas matandang edad. Alamin ang Higit Pa
2.2 Iyong Account
Papanatilihin mong lihim ang iyong password.Hindi mo ibabahagi ang iyong account sa sinuman at susunod sa aming mga patakaran at sa batas.Ang mga miyembro ay mga account holder. Sumasang-ayon ka na: (1) protektahan laban sa maling access sa iyong account (hal., gumamit ng malakas na password at panatilihin itong kumpidensyal); (2) hindi ibahagi o ilipat ang iyong account o anumang bahagi nito (hal., ibenta o ilipat ang personal na datos ng iba sa pamamagitan ng paglipat ng iyong mga koneksyon); at (3) sumunod sa batas, aming listahan ng mga Gagawin at Hindi Gagawin (sa ibaba), at sa aming Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad. Alamin ang Higit Pa Ikaw ay responsable para sa lahat ng mangyayari sa iyong account maliban kung isara mo ito o iulat na nagamit nang hindi tama.
Sa pagitan mo at ng iba pa (kabilang ang iyong employer), pag-aari mo ang iyong account. Gayunpaman, kung ang mga Serbisyo na binili ng ibang partido para gamitin mo (hal., upang ng Recruiter o suksrisyon sa LinkedIn Learning na binili ng iyong employer), ang partidong nagbabayad ng naturang Serbisyo ay may karapatan na pangasiwaan ang access at kumuha ng mga ulat sa iyong paggamit ng naturang binayarang Serbisyo; gayunpaman, wala silang karapatan sa iyong personal na account.
2.3 Bayad
Igagalang mo ang iyong mga obligasyon sa pagbabayad at pumapayag ka sa pag-iimbak namin ng iyong impormasyon sa pagbabayad. Nauunawaan mo na maaaring magkaroon ng mga bayad at mga buwis na idinadagdag sa aming mga presyo.Ang mga pagbabalik-bayad ay napapailalim sa aming patakaran, at maaari naming baguhin ang aming mga presyo sa hinaharap.Kapag bumili ka ng alinman sa aming binabayarang mga Serbisyo, sumasang-ayon ka na bayaran kami ng naaangkop na mga bayad at buwis at sa karagdagang mga tuntunin na partikular sa binabayarang mga Serbisyo. Ang pagkabigo na bayaran ang mga bayaring ito ay magreresulta sa pagtatapos ng iyong binabayarang mga Serbisyo. At, sumasang-ayon ka na:
- Ang iyong binili ay napapailalim sa mga singil sa palitan ng pera o mga pagkakaiba sa mga presyo batay sa iyong lokasyon (hal. antas ng palitan ng pera).
- Maaari naming iimbak at patuloy na sisingilin ang paraan ng iyong pagbabayad (hal., credit card) kahit matapos itong mapaso, upang maiwasan ang pagka-antala ng iyong mga Serbisyo at upang gamitin ito upang bayaran ang ibang mga Serbisyo na maaari mong bilhin. Maaari mong baguhin o palitan ang iyong paraan sa pagbabayad. Alamin ang higit pa
- Kapag bumili ka ng suskrisyon, awtomatikong sisingilin ang iyong paraan ng pagbabayad simula sa panahon ng bawat suskrisyon para sa mga bayad at buwis na naaangkop sa panahong iyon. Upang maiwasan ang panghinaharap na mga pagsingil, magkansela bago ang petsa ng pagpanibago. Alamin kung paano kanselahin o suspindihin ang iyong binabayarang suskrisyon ng mga Serbisyo.
- Maaari rin naming baguhin ang mga presyo na may bisa sa hinaharap nang may makatuwirang abiso sa abot na pinapayagan sa ilalim ng batas.
- Lahat ng iyong binabayarang mga Serbisyo ay napapailalim sa patakaran ng pagbabalik-bayad ng LinkedIn.
- Maaari naming kalkulahin ang babayarang buwis batay sa impormasyon ng pagsingil na ibinigay mo sa amin.
Makakakuha ka ng kopya ng iyong invoice sa pamamagitan ng mga setting sa iyong account sa LinkedIn sa ilalim ng “Kasaysayan ng Pagbili”.
2.4 Mga Abiso at Mensahe
Pumapayag ka na bigyan ka namin ng mga abiso at mensahe sa pamamagitan ng aming mga website, app, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Kung wala na sa panahon ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, maaaring makaligtaan mo ang mga mahahalagang abiso.Sumasang-ayon ka na bibigyan ka namin ng mga abiso at mensahe sa sumusunod na mga paraan: (1) sa loob ng mga Serbisyo, o (2) ipapadala sa ibinigay mong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa amin (hal. email, numero ng mobile, pisikal na address). Sumasang-ayon ka na panatilihing napapanahon ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Mangyaring repasuhin ang iyong mga setting upang pangasiwaan at limitahan ang mga mensahe na iyong matatanggap mula sa amin.
2.5 Pagbabahagi
Kapag ibinahagi mo ang impormasyon sa aming mga Serbisyo, makikita, makokopya at magagamit ng iba ang impormasyong iyon.Pinapayagan ng aming mga Serbisyo ang pagbabahagi ng impormasyon (kabilang ang nilalaman) sa maraming paraan, tulad ng sa pamamagitan ng iyong profile, mga artikulo, mga pang-grupong post, mga link ng artikulo sa balita, mga patalastas sa trabaho, mga mensahe, at InMails. Depende sa tampok at mga pinili mo, ang impormasyon na iyong ibabahagi ay maaaring makita ng ibang mga Miyembro, Bisita, o iba pa (nasa loob o labas ng mga Serbisyo). Kung saan mayroon sa mga setting, igagalang namin ang mga pinili mo kung sino ang makakakita ng nilalaman o impormasyon (hal. nilalaman ng mensahe sa iyong mga tinutugunan, pagbabahagi ng nilalaman lamang sa mga koneksyon sa LinkedIn, paghihigpit ng pagpapakita ng iyong profile mula sa mga search tool, o pagpili na hindi maabisuhan ang iba tungkol sa iyong pagbabago sa profile sa LinkedIn). Para sa mga aktibidad ng paghahanap ng trabaho, ito ay naka-default na hindi abisuhan ang network ng iyong mga koneksyon o ang publiko. Kaya, kung nag-a-apply ka ng trabaho sa pamamagitan ng aming Serbisyo o pumili na magsenyas na interesado ka sa isang trabaho, ang default namin ay ibahagi lamang ito sa nagpatalastas ng trabaho.
Sa abot na pinahihintulutan ito ng batas, wala kaming obligasyon na ilathala ang anumang nilalaman o impormasyon tungkol sa aming mga Serbisyo at maaari itong tanggalin nang mayroon man o walang abiso.
-
3. Mga Karapatan at Limitasyon
3.1. Ang Iyong Lisensya sa LinkedIn
Ikaw ang may-ari ng lahat ng iyong orihinal na nilalaman na binibigay mo sa amin, ngunit binibigay mo rin sa amin ang isang hindi eksklusibong lisensya rito.Igagalang namin ang mga pinili mo tungkol sa kung sino ang makakakita ng iyong nilalaman, kabilang ang kung paano ito magagamit para sa mga patalastas.Sa pagitan mo at ng LinkedIn, pagmamay-ari mo ang iyong orihinal na nilalaman na iyong isusumite o ipo-post sa mga Serbisyo.
Binibigyan mo ang LinkedIn at ang aming mga kaakibat ang sumusunod na hindi eksklusibong lisensya sa nilalaman at ibang impormasyon na iyong ibibigay (hal., pagbabahagi, pagpo-post, at/o kung hindi man ay pagsusumite) sa aming mga Serbisyo:
Ang pandaigdigan, naililipat at sublicensable na karapatan upang gamitin, kopyahin, baguhin, ipamahagi, publikong itanghal at ipakita, iimbak, at iproseso ang iyong nilalaman at ibang impormasyon nang walang anumang karagdagang pahintulot, abiso at/o kabayaran sa iyo o sa iba. Ang mga karapatang ito ay limitado sa sumusunod na mga paraan:
- Maaari mong tapusin ang lisensyang ito para sa isang partikular na nilalaman sa pamamagitan ng pagtanggal ng naturang nilalaman mula sa mga Serbisyo, o sa pangkalahatan sa pamamagitan ng pagsara ng iyong account, maliban (a) sa abot ng iyong (1) pagbahagi nito sa iba bilang bahagi ng mga Serbisyo at kinopya, muling ibinahagi o inimbak nila ito, (2) na-sublicense na namin sa iba bago ang pagtanggal ng iyong nilalaman o pagsara ng iyong account, o (3) inaatasan kami ng batas na panatilihin o ibahagi ito sa iba, at (b) para sa makatuwirang panahon na kailangan upang tanggalin ito mula sa backup at ibang mga sistema.
- Hindi namin isasama ang iyong nilalaman sa mga patalastas para sa mga produkto at serbisyo ng mga ikatlong partido sa iba nang walang hiwalay na pahintulot mo (kabilang ang inisponsor na nilalaman). Gayunpaman, nang walang kabayaran sa iyo o sa iba, ang mga patalastas ay maaaring ihain malapit sa iyong nilalaman at ibang impormasyon, at ang iyong mga aksyong panlipunan ay maaaring makikita at may kasamang mga patalastas, ayon sa binanggit sa Patakaran sa Pagkapribado. Kung ginagamit mo ang tampok ng Serbisyo, maaari naming banggitin iyon kasama ng iyong pangalan o larawan upang isulong ang tampok sa loob ng aming mga Serbisyo, na napapailalim sa iyong mga setting.
- Igagalang namin ang mga pinili ng madla para sa ibinahaging nilalaman (hal., “Mga koneksyon lamang”). Halimbawa, kung pinili mong ibahagi ang iyong post sa “Sinuman sa loob o labas ng LinkedIn” (o katulad): (a) maaari naming gawing available ito sa labas ng LinkedIn; (b) maaaring pahintulutan ang iba upang publikong ibahagi sa ikatlong partidong mga serbisyo (hal., isang Miyembro na mag-embed ng iyong post sa isang ikatlong partidong serbisyo); at/o (c) maaaring pahintulutan namin ang mga search tool upang gawing mahahanap ang publikong nilalaman sa pamamagitan ng kanilang mga serbisyo. Alamin ang Higit Pa
- Habang maaari naming i-edit at gumawa ng mga pagbabago sa format ng iyong nilalaman (tulad ng pagsasalin o pag-transcribe nito, baguhin ang laki, layout o uri ng file o pagtanggal ng metadata), hindi namin babaguhin ang kahulugan ng iyong pagpapahayag.
- Dahil pagmamay-ari mo ang iyong nilalaman at impormasyon at mayroon lamang kaming hindi-ekslusibong karapatan dito, maaari mong piliin na magagamit ito ng iba pa, kabilang ang napapailalim sa mga tuntunin ng lisensya ng Creative Commons.
Ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na kapag kabilang sa nilalaman ang personal na datos, ito ay napapailalim sa aming Patakaran sa Pagkapribado.Ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na maaari naming i-access, iimbak, iproseso at gamitin ang anumang impormasyon at personal na datos na ibinigay mo alinsunod sa mga tuntunin ng Patakaran sa Pagkapribado at iyong mga pagpipilian (kabilang ang mga setting).
Sa pagsumite ng mga mungkahi o iba pang mga katugunan tungkol sa aming mga Serbisyo sa LinkedIn, sumasang-ayon ka na maaaring gamitin at ibahagi ng LinkedIn (ngunit hindi kailangan) ang katugunan na iyon para sa anumang layunin nang walang kabayaran sa iyo.
Pinapangako mo na ibibigay mo lamang ang impormasyon at nilalaman na mayroon kang karapatang ibahagi, at magiging totoo ang iyong profile sa LinkedIn.Sumasang-ayon ka na magbibigay lamang ng nilalaman o impormasyon na hindi lumalabag sa anumang batas o karapatan ng sinuman (kabilang ang mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari). Mayroon kang mga pagpipilian tungkol sa kung gaano karaming impormasyon ang ibibigay sa iyong profile ngunit sumasang-ayon din na magiging totoo ang iyong ibibigay na impormasyon sa profile. Maaaring atasan ng batas sa LinkedIn na tanggalin ang ilang impormasyon o nilalaman sa ilang mga bansa.
3.2 Pagiging Available ng Serbisyo
Maaari naming baguhin o limitahan ang pagkakaroon ng ilang mga tampok, o wakasan ang anumang Serbisyo.Maaari naming baguhin, suspindihin, o ihinto ang alinman sa aming mga Serbisyo. Maaari rin naming limitahan ang pagkakaroon ng mga tampok, nilalaman at ibang impormasyon para hindi sila available para sa lahat ng mga Bisita o Miyembro (hal., ayon sa bansa o ayon sa access sa suskrisyon).
Hindi namin ipinapangako na iimbak o ipapakita (o laging ipapakita) ang anumang impormasyon (kabilang ang nilalaman) na iyong ibinahagi. Ang LinkedIn ay hindi isang serbisyo ng pag-iimbak. Sumasang-ayon ka na wala kaming obligasyon na mag-imbak, magpanatili o magbigay sa iyo ng kopya ng anumang nilalaman o impormasyon na ibinibigay mo o ng iba, maliban kung kinakailangan ng naaangkop na batas at tulad ng nabanggit sa aming Patakaran sa Pagkapribado.
3.3 Iba pang Nilalaman, mga Site at App
Ang paggamit mo nilalaman at impormasyon ng iba na naka-post sa aming mga Serbisyo ay nasa iyong peligro.Ang iba ay maaaring mag-alok ng kanilang sariling produkto at serbisyo sa pamamagitan ng aming mga Serbisyo, at hindi kami responsable para sa mga aktibidad ng ikatlong partido.Nilalaman ng Iba: Sa paggamit ng mga Serbisyo, maaari kang makatagpo ng nilalaman o impormasyon na maaaring hindi tama, hindi kumpleto, nahuhuli, nakalilinlang, ilegal, nakakasakit ng damdamin, o kung hindi man, mapanira. Sumasang-ayon ka na hindi kami responsable para sa (kabilang ang iba pang mga Miyembro) nilalaman o impormasyon. Samantalang ginagamit namin ang awtomatikong mga kagamitan upang repasuhin ang karamihan sa mga nilalaman at bang impormasyon na inilahad sa mga Serbisyo, hindi namin maaaring laging mapigilan ang maling paggamit ng aming mga Serbisyo, at sumasang-ayon ka na hindi kami responsable para sa anumang naturang maling paggamit. Tinatanggap mo rin ang panganib na maaaring ibahagi ng iba ang hindi wast o nakalilinlang na impormasyong tungkol sa iyo o sa iyong organisasyon, at ikaw o ang iyong organisasyon ay maaaring maling maugnay sa nilalaman tungkol sa iba, halimbawa, kapag ipapaalam namin sa mga koneksyon at tagasunod na ikaw o ang iyong organisasyon ay nabanggit sa balita. Ang mga miyembro ay mayroong mga pagpipilian tungkol sa tampok na ito.
Ang mga Produkto at Serbisyo ng Iba: Maaaring tumulong sa iyo ang LinkedIn sa ibang mga Miyembro (hal. mga Miyembrong gumagamit ng Services Marketplace o ang aming recruiting, mga trabaho, benta, o produkto sa marketplace) na nag-aalok ng mga oportunidad (sa ngalan ng kanilang sarili, kanilang organisasyon, o iba) tulad ng mga alok upang maging kandidato para sa trabaho o ibang trabaho na nag-aalok ng pagbili ng mga produkto o serbisyo. Kinikilala mo na hindi nagsasagawa ang LinkedIn ng inalok na mga serbisyo na ito, nagpapatrabaho ng mga nagsasagawa ng mga serbisyong ito, o magbibigay ng mga produktong inaalok.
Tinatanggap mo na ang LinkedIn ay hindi nangangasiwa, nag-uutos, nagkokontrol o nagsusubaybay ng mga Miyembro sa paggawa ng mga alok na ito, o sa kanilang pagbibigay sa iyo ng trabaho, paghahatid ng mga produkto o pagsasagawa ng mga serbisyo, at at sumasang-ayon na (1) ang LinkedIn ay hindi responsable para sa mga alok na ito, o sa pagganap o pagkuha ng mga ito, (2) ang LinkedIn ay hindi nag-eendorso ng anumang partikular na mga alok ng Miyembro, at (3) ang LinkedIn ay hindi isang ahente o ahente ng trabaho sa ngalan ng sinumang Miyembro na nag-aalok ng trabaho o ibang trabaho, produkto o mga serbisyo. Kaugnay ng pagtatrabaho o iba pang trabaho, ang LinkedIn ay hindi gumagawa ng mga desisyon sa pagtatrabaho o pagkuha sa ngalan ng Mga Miyembro na nag-aalok ng mga pagkakataon at walang ganoong awtoridad mula sa Mga Miyembro o organisasyong gumagamit ng aming mga produkto.
Para sa Services Marketplace, (a) dapat ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang upang bumili, mag-alok, o magsagawa ng mga serbisyo, at (b) kinakatawan at ginagarantiya mo na mayroon ka ng lahat ng kinakailangang lisensya at magbibigay ng mga serbisyo na pareho sa mga pamantayan sa kaugnay na industriya at sa aming Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad.
Mga Kaganapan ng Iba: Gayundin, maaaring tulungan ka ng LinkedIn na magparehistro para sa at/o dumalo sa mga kaganapan na inayos ng mga Miyembro at kumonekta sa iba pang mga Miyembro na dumalo sa naturang mga kaganapan. Sumasang-ayon ka na (1) ang LinkedIn ay hindi responsable para sa pag-uugali ng sinuman sa mga Miyembro o iba pang dadalo sa mga kaganapang ito, (2) hindi ineendorso ng LinkedIn ang anumang partikular na kaganapan na nakalista sa aming mga Serbisyo, (3) Hindi narerepaso at/o sinusuri ng LinkedIn ang alinman sa mga kaganapang ito, at (4) na susundin mo ang mga tuntunin at kondisyon na naaangkop sa mga kaganapang ito.
3.4 Mga Limitasyon
May karapatan kaming limitahan kung paano ka kokonekta at makikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo.Nilalaan ng LinkedIn ang karapatan na limitahan ang paggamit mo ng mga Serbisyo, kabilang ang bilang ng iyong mga koneksyon at ang iyong kakayahan na makipag-ugnayan sa iba pang mga Miyembro. Inirereserba ng LinkedIn ang karapatan na paghigpitan, suspindihin, o tapusin ang iyong account kapag lumabag ka sa Kontratang ito o sa batas o hindi tamang ginamit ang Mga Serbisyo (hal. paglabag sa anumang mga Gagawin at Hindi Gagawin o Mga Patakaran ng Propesyunal na Komunidad).
Maaari rin naming tanggalin ang anumang mga nilalaman o ibang impormasyon na binahagi mo kung sa paniwala namin ay lumalabag ito sa aming Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad o sa Mga Ginagawa at Hindi Ginagawa o kung hindi man ay lumalabag sa Kontratang ito. Alamin ang higit pa tungkol sa kung paano namin sinusubaybayan ang nilalaman.
3.5 Mga Karapatan sa mga Intelektwal na Pag-aari.
Bibigyan ka namin ng abiso tungkol sa aming mga karapatan sa mga intelektwal na pag-aari.Nilalaan ng LinkedIn ang lahat ng karapatan sa mga intelektwal na pag-aari sa mga Serbisyo. Ang mga trademark at logo na ginagamit na may kaugnayan sa mga Serbisyo ay mga trademark ng kani-kanilang mga may-ari. Ang LinkedIn, at mga “sa” logo at iba pang mga trademark ng LinkedIn, mga marka ng serbisyo, grapika at mga logo na ginagamit para sa aming mga Serbisyo ay mga trademark o rehistradong trademark ng LinkedIn.
3.6 Mga Rekomendasyon at Awtomatikong Pagproseso
Ginagamit namin ang datos at impormasyon tungkol sa iyo upang gumawa at mag-uots ng ng mga mungkahi na may kaugnayan sa iyo at sa iba.Ginagamit namin ang pang impormasyon at datos na iyong ibinibigay at mayroon kaming mga Miyembro na gumagawa ng mga rekomendasyon para sa mga koneksyon, nilalaman at mga tampok na maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo. Ginagamit namin ang datos at ibang pang impormasyon upang magrekomenda at paglahad ng impormasyon sa iyo sa ayos na maaaring maging may kaugnayan sa iyo. Halimbawa, ang datos at impormasyon na iyon ay maaaring gamitin upang magrekomenda ng mga trabaho sa iyo at ikaw sa mga recruiter at ayusin ang nilalaman sa iyong feed upang mapabuti ang iyong karanasan at gamitin ang mga Serbisyo. Ang pagpapanatiling wasto at napapanahon ng iyong profile ay nakakatulong sa amin upang maging mas wasto at may kaugnayan ang mga rekomendasyon na ito. Alamin ang Higit Pa
Mga Tampok na Generative AI: Sa paggamit ng mga Serbisyo, maaari kang makipag-ugnayan sa mga tampok na inaalok namin nag-a-automate ng pagbuo ng nilalaman para sa iyo. Ang nilalaman na mabuo ay maaaring hindi wasto, hindi kumpleto, nahuhuli, nakalilinlang o hindi angkop para sa iyong layunin. Mangyaring repasuhin at baguhin ang naturang nilalaman bago ibahagi sa iba. Tulad ng lahat ng nilalaman na iyong ibabahagi sa aming mga Serbisyo, responsable ka para sa pagtiyak na sumusunod ito sa aming Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad, kabilang ang hindi pagbahagi ng nakalilinlang na impormasyon.
Ang mga Serbisyo ay maaaring magsama ng nilalaman na awtomatikong binuo at binahagi gamit ang mga kagamitang inaalok ng LinkedIn o iba na nasa labas ng LinkedIn. Tulad ng lahat ng nilalaman at ibang impormasyon sa aming mga Serbisyo, hindi alintana kung ito ay may tatak na nilikha ng “AI”, tiyakin na maingat na repasuhin bago umasa rito.
-
4. Pagtatatwa at Limitasyon ng Pananagutan
4.1 Walang Garantiya
Ito ang aming pagtatatwa ng legal na pananagutan para sa kalidad, kaligtasan, o pagiging maasahan ng aming mga Serbisyo.Ang LINKEDIN AT MGA KAAKIBAT NITO AY WALANG GINAWANG REPRESENTASYON O GARANTIYA SA MGA SERBISYO, KABILANG ANG ANUMANG REPRESENTASYON NA ANG MGA SERBISYO AY HINDI MAABALA O WALANG MALI AT MAGBIBIGAY NG MGA SERBISYO (KABILANG ANG NILALAMAN AT IMPORMASYON) SA ISANG “AS IS” AT “BILANG MAGAGAMIT” NA BATAYAN. SA ABOT NA PINAPAYAGAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG LINKEDIN AT MGA KAAKIBAT NITO AY ITINATATWA ANG ANUMANG IMPLIED O STATUTORY NA GARANTIYA, KABILANG ANG ANUMANG IPINAHIWATIG NA GARANTIYA NG TITULO, KAWASTUHAN NG DATOS, HINDI PAGLABAG, MABEBENTA O KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN.
4.2 Pagbubukod ng Pananagutan
Ito ang mga limitasyon ng legal na pananagutan na mayroon kami para sa iyo.SA ABOT NG PINAPAYAGAN SA ILALIM NG BATAS (AT MALIBAN KUNG PUMASOK ANG LINKEDIN SA ISANG MAGKAHIWALAY NA NAKASULAT NA KASUNDUAN NA NAGBABALEWALA SA KONTRATANG ITO), ANG LINKEDIN, KABILANG ANG MGA KAAKIBAT NITO, AY WALANG PANANAGUTAN KAUGNAY SA KONTRATANG ITO PARA SA NALUGI O NAWALANG MGA OPORTUNIDAD SA NEGOSYO, REPUTASYON (HAL. NAKAKASAKIT O PANINIRANG PURI), PAGKAWALA NG DATOS (HAL. PAGHINTO O PAGKAWALA, PAGGAMIT NG, O MGA PAGBABAGO SA, IYONG IMPORMASYON O NILALAMAN), O ANUMANG HINDI DIREKTANG INSIDENTE, KINAHINATNAN, ESPESYAL O MGA PINSALANG DULOT NG KAPAHAMAKAN.
ANG LINKEDIN AT MGA KAAKIBAT NITO AY WALANG PANANAGUTAN SA IYO KAUGNAY SA KONTRANG ITO SA ANUMANG HALAGA NA LAMPAS (A) SA KABUUANG HALAGA NA BINAYAD O BABAYARAN SA IYO NG LINKEDIN PARA SA MGA SERBISYO SA PANAHON NG TUNTUNIN NG KONTRATANG ITO, KUNG MAYROON MAN, O (B) US $1000.
4.3 Batayan ng Kasunduan; Mga Pagbubukod
Ang mga limitasyon ng pananagutan sa Seksyon 4 na ito ay bahagi ng batayan ng kasunduan sa pagitan mo at ng LinkedIn at dapat naaangkop sa lahat ng mga paghahabol sa pananagutan (hal. garantiya, sibil na salarin, kapabayaan, kontrata at batas) kahit na nasabihan ang LinkedIn at mga kaakibat nito ng posibilidad ng anumang pinsala, at kahit na ang mga remedyo ay nabigo sa kanilang mahalagang layunin.
ANG MGA LIMITASYONG ITO NG PANANAGUTAN AY HINDI NAAANGKOP SA PANANAGUTAN PARA SA PAGKAMATAY O PERSONAL NA PINSALA O PARA SA PANLOLOKO, MATINDING KAPABAYAAN O SINADYANG MALING PAG-UUGALI O SA MGA KASO NG KAPABAYAAN, KUNG SAAN ANG ISANG MATERYAL NA OBLIGASYON AY NILABAG. ANG MATERYAL NA OBLIGASYON BILANG ISANG OBLIGASYON NA BUMUO BILANG ISANG KINAKAILANGAN SA ATING PAGHAHATID NG MGA SERBISYO AT KUNG SAAN MAAARING MAKATUWIRAN MONG MAAASAHAN, NGUNIT SA ABOT LAMANG NA ANG MGA PINSALA AY DIREKTANG DULOT NG PAGLABAG AT SA NAKITA SA PAGTATAPOS NG KONTRATANG ITO AT SA ABOT NA ANG MGA ITO AY KARANIWAN SA KONTEKSTO NG KONTRATANG ITO.
-
5. Pagwawakas
Maaari nating parehong tapusin ang Kontratang ito, pero maaaring matira ang ilang karapatan at obligasyon.Maaaring tapusin ninyo pareho ng LinkedIn ang Kontratang ito anumang oras na may paabiso sa iba. Sa pagtatapos, mawawalan ka ng karapatan sa access o paggamit ng mga Serbisyo. Ang sumusunod ay matitira sa pagtatapos:
- Aming mga karapatan sa paggamit at pagsisiwalat ng iyong katugunan;
- Seksyon 3 (napapailalaim sa 3.1.1);
- Seksyon 4, 6, 7 at 8.2 ng Kontratang ito;
- Anumang halaga na utang ng alinmang partido bago ang pagtatapos ay mananatiling utang kahit tinapos na ito.
Maaari mong bisitahin ang aming Sentro ng Tulong upang isara ang iyong account.
-
6. Namamahalang Batas at Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan
Sa hindi inaasahang kaganapan na humantong tayo sa isang hindi pagkakaunawaan, ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na ayusin ito sa mga korte ng California gamit ang batas ng California, o sa mga korte ng Dublin Ireland gamit ang batas ng Irish, o sa iyong lokal na mga korte gamit ang lokal na batas.Kung nakatira ka sa Mga Itinalagang Bansa, ang mga batas ng Ireland ang mamahala ng lahat ng mga paghahabol na may kaugnayan sa pagbibigay ng LinkedIn ng mga Serbisyo, ngunit hindi nito ipagkakait sa iyo ang inaatas na mga proteksyon ng mamimili sa ilalim ng batas sa bansa kung saan binibigay namin ang iyong mga Serbisyo kung saan ka nakagawiang naninirahan. Kaugnay ng hurisdiksyon, ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na piliin ang mga korte ng bansa kung saan namin ibinibigay ang iyong mga Serbisyo kung saan mayroon kang nakagawiang paninirahan para sa lahat ng mga hindi pagkakaunawaan na nagmumula sa o nauugnay sa Kasunduan ng mga Gumagamit na ito, o bilang alternatibo, maaari mong piliin ang responsableng hukuman sa Ireland.
Kung ikaw ay isang gumagamit na negosyo sa loob ng saklaw ng Artikulo 6(12) ng Batas sa Digital na mga Merkado ng EU (“DMA”, Digital Markets Act) at magkaroon ng pagtatalo na magmumula sa o may kaugnayan sa Artikulo 6(12) ng DMA, maaari mo ring gamitin ang alternatibong mekanismo sa resolusyon ng pagtatalo na makikita sa Sentro ng Tulong.
Para sa ibang nasa labas ng Mga Itinalagang Bansa, kabilang ang mga nakatira sa labas ng Estados Unidos: Ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na ang mga batas ng Estado ng California, U.S.A., hindi kasama ang mga salungatan sa mga alituntunin ng batas, ang dapat na eksklusibong mamamahala sa anumang hindi pagkakaunawaan na may kaugnayan sa Kontrata at/o mga Serbisyong ito. Ikaw at ang LinkedIn ay parehong sumasang-ayon na ang lahat ng paghahabol at mga hindi pagkakaunawaan ay maaari lamang lilitisin sa mga korte ng pederal o estado sa Santa Clara County, California, USA, at ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon sa personal na hurisdiksyon sa mga hukuman na iyon.
-
7. Mga Pangkalahatang Tuntunin
Narito ang ilang mahalagang mga detalye tungkol sa Kontrata.Kung matuklasan ng isang korte na may awtoridad sa Kontrata na ito ang anumang bahagi nito na hindi maipapatupad, ikaw at kami ay sumasang-ayon na dapat baguhin ng korte ang mga tuntunin upang maisagawa ang bahaging iyon habang nakakamit pa rin ang hangarin nito. Kung hindi ito magagawa ng korte, ikaw at ako ay sumasang-ayon na hilingin ang korte na tanggalin ang hindi maipapatupad na bahagi at ipapatupad pa rin ang natitirang bahagi ng Kontratang ito.
Ang Kontratang ito (kabilang ang karagdagang mga tuntunin na maaari naming ibigay kapag ikaw ay nakilahok sa tampok ng mga Serbisyo) ang tanging kasunduan sa pagitan natin tungkol sa mga Serbisyo at papalit sa lahat na naunang mga kasunduan para sa mga Serbisyo.
Kung hindi kami kikilos upang maipatupad ang paglabag sa Kontratang ito, hindi ito nangangahulugan na tinanggihan ng LinkedIn ang karapatan nito na ipatupad ang Kontratang ito. Hindi mo maaaring italaga o ilipat ang Kontratang ito (o ang iyong pagiging miyembro o paggamit ng mga Serbisyo) sa sinuman na walang pahintulot. Gayunman, sumasang-ayon ka na maaaring italaga ng LinkedIn ang Kontrata na ito sa mga kaakibat nito o sa isang partido na bibili nito nang walang pahintulot mo. Walang mga benepisyaryo ng ikatlong partido sa Kontrata na ito.
Sumasang-ayon ka na ang tanging paraan upang magbigay ng legal na abiso ay sa address na ibinigay sa Seksyon 10.
-
8. Mga “Gagawin at Hindi Gagawin” sa LinkedIn
Ang LinkedIn ay isang komunidad ng mga propesyonal. Nililimitahan ng listahang ito ng “Mga Ginagawa at Hindi Ginagawa” kasam ang aming Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad kung ano ang maaari at hindi mo maaring gawin sa aming mga Serbisyo, maliban kung tahasang pinahihintulutan ng LinkedIn sa isang hiwalay na pagsulat (hal., sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pananaliksik).8.1. Mga Gagawin
Sumasang-ayon ka na ikaw ay:
- Sumunodsa lahat ng naaangkop na mga batas, kabilang ang, nang walang limitasyon, mga batas ng pagkapribado, mga batas ng intelektwal na pag-aari, mga batas sa anti-spam, mga batas sa pagkontrol sa export, mga batas sa buwis, at mga kinakailangang sa regulasyon;
- Magbigay sa amin ng tumpak na impormasyon at panatilihin itong napapanahon;
- Gamitin ang tunay na pangalan mo sa iyong profile; at
- Gamitin ang mga Serbisyo sa isang propesyonal na paraan.
8.2. Mga Hindi Gagawin
Sumasang-ayon ka na hindi ka:
- Gumawa ng isang maling pagkakakilanlan sa LinkedIn, maling sabihin ang iyong pagkakakilanlan, lumikha ng isang profile ng Miyembro para sa sinuman maliban sa iyong sarili (tunay na tao), o gumamit o subukang gumamit ng ibang account;
- Bumuo, sumuporta o gumamit ng software, mga kagamitan, script, robot o anupamang paraan o proseso (kabilang ang mga crawler, browser plugins, at mga add-on o anupamang ibang teknolohiya) upang kayurin ang mga Serbisyo o kung hindi man ay kopyahin ang mga profile at iba pang datos mula sa mga Serbisyo;
- I-override ang anumang mga tampok na seguridad o hakbangan o dayain ang anumang mga kontrol sa access o gamitin ang mga limitasyon ng Serbisyo (tulad ng mga cap sa keyword searches o mga pagtingin sa profile);
- Kumopya, gumamit, magpakita o magbahagi ng anumang impormasyon (kabilang ang nilalaman) na nakuha mula sa mga Serbisyo, direkta man o sa pamamagitan ng mga ikatlong partido (gaya ng mga kagamitan sa paghahanap o data aggregator o broker), nang walang pahintulot ng may-ari ng nilalaman (gaya ng LinkedIn para sa nilalaman na pagmamay-ari nito);
- Isiwalat ang impormasyon na wala kang pahintulot na isiwalat (tulad ng kompidensyal na impormasyon ng iba (kabilang ang iyong employer);
- Lalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng iba , kabilang ang mga copyright, patent, trademark, trade secret o iba pang mga karapatan ng propriyedad. Halimbawa, huwag kokopyahin o ipapamahagi (maliban sa pamamagitan ng available na functionality ng pagbabahagi) ang mga post o iba pang nilalaman ng iba nang wala pahintulot nila, na maaari nilang maibigay sa pamamagitan ng pag-post sa ilalim ng lisensya ng Creative Commons;
- Lumabag sa intelektwal na pag-aari o iba pang mga karapatan ng LinkedIn, kabilang ang, walang limitasyon, (i) pagkopya o pamamahagi ng aming learning video o iba pang mga materyal o (ii) pagkopya o pamamahagi ng aming teknolohiya, maliban kung ito ay inilabas sa ilalim ng mga lisensya ng open source; (iii) gamit ang salitang “LinkedIn” o aming mga logo sa anumang pangalan ng negosyo, email, o URL maliban kung ibinahagi sa Mga Gabay sa Tatak;
- Mag-post ng anumang naglalaman ng mga virus ng software, worm, o anumang harmful code;
- I-reverse engineer, i-decompile, i-disassemble, i-decipher o kaya susubukan upang makuha ang source code para sa mga Serbisyo o anumang kaugnay na teknolohiya na hindi open source;
- Ipahiwatig o sasabihin na ikaw ay kaakibat ng o inendorso ng LinkedIn nang walang pahintulot namin (hal., kumakatawan sa iyong sarili bilang isang akreditadong tagapagsanay sa LinkedIn);
- Pagpapa-upa, pagpapa-utang, pangangalakal, pagbebenta/muling pagbebenta o kung hindi man i-monetize ang mga Serbisyo o mga kaugnay na data o pag-access dito, nang walang pahintulot ng LinkedIn;
- Malalim na pagkaka-link sa aming mga Serbisyo para sa iba pang layunin maliban sa pagtataguyod ng iyong profile o isang Grupo sa aming mga Serbisyo, nang walang pahintulot ng LinkedIn;
- Gagamit ng mga bot o ibang hindi awtorisadong awtomatikong mga pamamaraan upang ma-access ang mga Serbisyo, magdagdag o magdownload ng mga pakikipag-ugnayan, magpadala o muling mag-direkta ang mga mensahe, lumikha, gumawa, magkomento sa, gumusto, magbahagi, o muling magbahagi ng mga post, o kung hindi man ay magpuwersa ng hindi totoong pakikipag-ugnayan;
- Paglalahok sa “pag-frame,” “pag-mirror,” o kung hindi man paggaya ng itsura o function ng mga Serbisyo;
- I-o-overlay o kung hindi man babaguhin ang mga Serbisyo o ang kanilang itsura (tulad ng sa pagpasok ng mga elemento sa Serbisyo o pag-aalis, takip, o pagtakpan ng isang ad na kasama sa Mga Serbisyo);
- Papakialaman ang pagpapatakbo ng, o maglalagay ng isang hindi makatuwirang pag-load sa, mga Serbisyo (hal., spam, pagtanggi sa service attack, mga virus, gaming algorithm); at/o
- Lalabag sa Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad, ilang ikatlong partido na mga tuntunin kung saan naaangkop, o anumang karagdagang mga tuntunin ukol sa isang tiyak na Serbisyo na ibinibigay kapag nagpatala ka o nagsimulang gumamit ng naturang Serbisyo;
- Gamitin ang aming mga Serbisyo upang gumawa ng anumang bagay na labag sa batas, mapanlinlang, nagdidiskrimina, o mapandaraya; at/o
- Maling gamitin ang aming proseso ng pag-uulat o mga apela, kabilang ang pagsusumite ng mga duplikado, mapandaraya o walang batayan na mga ulat, reklamo o apela.
-
9. Mga Reklamo Tungkol sa Nilalaman
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga reklamo tungkol sa nilalaman na ibinigay ng aming mga Miyembro.Hinihiling namin na mag-ulat ka ng nilalaman at iba pang impormasyon na sa paniniwala mo ay lumalabag sa iyong mga karapatan (kabilang ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari), aming Mga Patakaran sa Propesyonal na Komunidad o kung hindi man ay lumalabag sa Kontratang ito o sa batas. Sa abot ng aming magagawa sa ilalim ng batas, maaari naming alisin o higpitan ang pag-access sa nilalaman, mga tampok, mga serbisyo, o impormasyon, kabilang ang kung naniniwala kami na makatuwirang kinakailangan upang maiwasan ang pinsala sa LinkedIn o iba pa, lumalabag sa batas o makatuwirang kinakailangan upang maiwasan ang maling paggamit ng aming Mga Serbisyo. Inilalaan namin ang karapatang gumawa ng aksyon laban sa mga seryosong paglabag sa Kontrata na ito, kabilang ang sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga paghihigpit sa account para sa mga makabuluhang paglabag.
Nirerespeto din namin ang mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng iba. Kinakailangan namin na ang impormasyong ibabahagi ng mga Miyembro ay wasto at hindi lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari o iba pang mga karapatan ng mga ikatlong partido. Nagbibigay kami ng isang patakaran at proseso para sa mga reklamo tungkol sa ibinahaging nilalaman, at/o mga trademark na ginagamit ng aming mga Miyembro.
-
10. Paano Makipag-ugnayan sa Amin
Aming Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan. Ang aming Sentro ng Tulong ay nagbibigay din ng impormasyon tungkol sa aming mga Serbisyo.Para sa mga pangkalahatang katanungan, maaari kang makipag-ugnayan sa amin online. Para sa mga legal na abiso o serbisyo ng proseso, maaari mo kaming sulatan sa mga address na ito.