Pumunta sa nilalaman

Ika-21 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 2046)
Milenyo: ika-3 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  2000 dekada 2010 dekada 2020 dekada 2030 dekada 2040
dekada 2050 dekada 2060 dekada 2070 dekada 2080 dekada 2090

Ang ika-21 dantaoon ay ang kasalukuyang siglo ng panahong Anno Domini o Karaniwang Panahon, sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano. Nagsimula ito noong Enero 1, 2001 at magtatapos sa Disyembre 31, 2100.[1] Ang ika-21 dantaon ang unang dantaon sa ikatlong milenyo.

Namarkahan ang simula ng ika-21 siglo ng pagbangon ng pandaigdigang ekonomiya at konsumerismo sa Ikatlong Mundo, na pinalalim ang pandaigdigang pag-aalala sa terorismo at pribadong negosyo.[2][3][4] Nagpatuloy ang mga epekto ng pag-init ng mundo at pagtaas ng antas ng dagat, kasama ang pagkawala ng walong pulo sa pagitan ng 2007 at 2014.[5][6][7] Nagdulot ang Arab Spring noong unang bahagi ng dekada 2010 sa magkahalong kinalabasan sa mundong Arabe, na nagresulta sa mga digmaang sibil at pagpapatalsik sa mga pamahalaan.[8] Nanatili ang Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang bansa, habang tinuturing ang Tsina na umuusbong na pinakamakapangyarihang bansa.

Noong 2017, namuhay ang mga kalahati (49.3%) ng populasyon ng mundo sa "ilang uri ng demokrasya," bagaman 4.5 bahagdan lamang ang namuhay sa buong demokrasya.[9]

Lumawak ng malaki ang Unyong Europeo na dinagdag ang 13 kasaping estado. Pinakilala ng karamihan sa mga kasaping estado ang isang karaniwang pananalapi, ang Euro, at kumalas ang Reino Unido sa pagiging kasapi ng Unyong Europeo. Noong 2020, kumalat sa buong mundo ang pandemyang COVID-19, na nagdulot sa malubhang pagkagambala sa ekonomiya, kabilang ang pinakamalaking pandaigdigang resesyon mula noong Dakilang Depresyon.

Nagpatuloy ang Ikatlong Rebolusyong Industriyal na nagsimula noong mga dekada 1950 hanggang sa huling bahagi ng ika-20 dantaon, at nagsimula ang transisyon nito sa Industry 4.0 at ang Ikaapat na Rebolusyong Industriyal sa simula ng ika-21 dantaon.[10]

Sa paglaganap ng mga kagamitang mobile (tulad ng teleponong selular), nakakonekta sa internet ang higit sa kalahati ng populasyon ng mundo (taya noong 2018).[11]). Pagkatapos ng tagumpay ng Human Genome Project, nagkaroon ng serbisyo ng pag-sequence ng DNA at ito ay abot-kaya.[12][13]

Teknolohiya at lipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang distrito ng Pudong Shanghai noong Nobyembre 2017

Ang Shanghai, Tsina ay isa sa mga pangunahing sentro at makabagong teknolohiya sa daigdig kasama ang Beijing. Maging mga lungsod sa California, Bagong York at Massachusetts ang mga lugar na may pinakauna at pinabilis sa mga teknolohiya at kagamitan.

Galeriya ng kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The 21st Century and the 3rd Millennium". aa.usno.navy.mil (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-02. Nakuha noong 2018-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Majority of Americans distrust the government". Reuters. 19 Abril 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 1 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. David A. Lake. "Rational Extremism: Understanding Terrorism in the Twenty-first Century according to Kathii Erick Gitonga" (PDF). quote.ucsd.edu. Nakuha noong 1 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Working with Private Industry | Research Pages | The Stimson Center | Pragmatic Steps for Global Security". www.stimson.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Pebrero 2016. Nakuha noong 1 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. https://www.newscientist.com/article/2146594-eight-low-lying-pacific-islands-swallowed-whole-by-rising-seas/
  6. https://www.scientificamerican.com/article/township-in-solomon-islands-is-1st-in-pacific-to-relocate-due-to-climate-change/
  7. https://www.environment.gov.au/climate-change/adaptation/international-climate-change-adaptation-initiative/pasap/solomon-islands
  8. Fisher, Marc (20 Disyembre 2011). "Arab Spring yields different outcomes in Bahrain, Egypt and Libya". The Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 19 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. https://www.forbes.com/sites/niallmccarthy/2018/02/01/the-best-and-worst-countries-for-democracy-infographic/#4deacc9c3fff
  10. Satell, Greg. "Why The Digital Revolution Is Really Just Getting Started" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Digital in 2018: World's internet users pass the 4 billion mark Naka-arkibo 2020-12-24 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  12. Gent, Edd (2020-03-08). "$100 Genome Sequencing Will Yield a Treasure Trove of Genetic Data". Singularity Hub (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Molteni, Megan (19 Nobyembre 2018). "Now You Can Sequence Your Whole Genome for Just $200" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng www.wired.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)